Wednesday, July 8, 2009

quarter life crisis - it's not a curse, it's an offer!

lagi kong sinasabi na hindi naman kailangan ng ibang tao para maging masaya ang isang tao. pero pwede pala na ang kawalan ng isang tao ang maging dahilan para agawin ang kasiyahan sa'yo.

wala pa namang anim na buwan para sabihin na depressed ako. pakiramdam ko suicidal ako pero hindi pa naman siguro. kaya mas nakukumbinsi ako na ganun na nga, kasi dine-deny ko. (ayaw ko sanang sabihin un pero para makumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako suicidal, ilalagay ko. para poser ang dating ko) sabi ng kaibigan ko, wag daw ako makinig sa depressing music. ung mga kanta na nagpapasaya sakin dati, ayun, pinaiiyak ako ngayon kasi naaalala ko ung masasayang oras. negated ang plano. sabi niya rin, kumain daw ako ng maraming tsokolate habang hinihimay kung bakit ko gusto mag-suicide. ang sakit na ng ipin ko pero wala pa rin yatang serotonin ang katawan ko. ayaw ko pating maging mataba sa huling oras ng buhay ko. pwede ba. sabi niya rin, pag narealize ko na ang lahat ng dahilan (na alam ko naman, in the first place), i-contradict ko daw. ginawa ko naman. pero mas napaniwala ko ung sarili ko na hindi ako masaya. ai ewan.

alam ko mahal magpatingin sa psychiatrist. ipamamana ko na lang ung pera ko que sa makinig sa mga may catatonia.

Part 2

masarap mag-mahal. hindi masarap masaktan. mahirap malungkot. mahirap maka-miss ng tao. mahirap umiyak sa bus station habang inihahatid.mas mahirap umiyak habang nagbibilang ng mga huling oras na magkasama kayo. mahirap din mag-abang sa susunod na oras na magkakasama kayo na hindi mo naman talaga alam kung kailan. mahirap pag hindi mo alam kung mahal ka pa rin niya. o nagbabalak na siyang ipagpalit ka.

hindi naman ako teenager para magkaganito. ano ba yan.

Monday, June 29, 2009

tada

o tadhana ako'y wag paglaruan
sa iyong mga kuko'y wala akong kalaban laban
kaiisip mapapraning, wala namang magagawa
kapag ikaw ay nakipagkasundo na kay bathala.
mga pagkakataon sa aki'y wag naman ipagkait
lubosin ang unos, ang pait ay masapit
hayaan mong akitin naman ako ng liwanag
biyayaan ng saya, wakasan ang siglo ng sakuna.

Friday, April 3, 2009

blata blata

Ako ay isang ipis

Naghahanap ng pulot gata

Tinatawag niyo itong basura

Sa aking tiyan ito’y langit na.

Ngunit..

Ako’y kinamumuhian

Tanong ko lamang ay bakit

Kinatatakutan, pinandidirian

Meron ba akong nagawa na para sa iyo’y mali?

Sabi mo, inaatake ko kayo

Ngunit ikaw itong may dalang armas

Naglalakad lang naman ako, naghahanap ng ginto

Ikaw kaya itong habulin ko ng tsinelas?

Gusto ko lang ng tahimik na buhay

Kumain ng mga bagay na hindi mabuti sa’yo

Iyon lang naman ang silbi ko sa buhay

Mamasamain mo pa ba ito?

Kung ang naiwang pagkain sa’yong lapag

Ay aking ginawang hapunan

Huwag magalit, ako’y patawarin

Ito pala’y di katanggap-tanggap, ‘di ko naman alam.

O kaya sa umaga’y natagpuan

Sa mga platong kagabi’y ginamit

Bago uinit ang ulo’y iyo munang isipin

Bakit nga ba hindi nailigpit?

Akala ko kasi’y naniimbita ka

Dahil hindi mo nilinis ang iyong paligid

Kaya gano’n na lang ang gulat ko

Ng narinig ko ang pang-ispray, tsiik tsiik tsiik.

Ayaw ko naman talaga maging pagala-gala

Nagtatago rin sa publiko

Ngunit kung ikaw naman ay makalat

Masisisi mo ba ako?

At kapag ako ay nawala

Tsaka lang malalaman mo

Na dadami ang organismong

Maghahasik ng methane sa mundo.

At ako’y iyong maaalala

Kapag iyon na nga ang nangyari

Dahil mas makasasama iyon sa iyong kalusugan

Que sa ‘pag may lumilipad na kagaya kong pangit.

Sunday, March 22, 2009

pag-uwi

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Para lang sabay tayong kumain ng lugaw
Pan de sal
Barbecue, mango juice, maanghang na noodles, at kape.

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Isang trike, konting takbo, isang jeep, ilang minuto
Para lang ikaw ay malambing
Kita'y makasama, saglit na sandali.

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Isang yakap
Isang gabi
Isang ngiti kahit luha ay nangingilid.

Isang ticket sa bus wala pang bente kuwatro oras makalipas

Saturday, March 7, 2009

ang masarap kainin ngayon ay

bukas.

sumpang ika'y manatiling aking iniibig, paninindigan

hanggang sa gatilyo ng langit ay kusang pumitik

* * *

pagsasamang ito'y mistulang punyal sa dibdib
sa hanay ng langit, tila 'di naakit
ating ipagpatuloy, maraming masisidhi
kung wakasan nama'y, lubos ang pighati

ano ba'ng gagawin, di ko na rin alam
upang maging matiwasay ating samahan
kung sa'ting dalawa lang ay wala namang problema
ngunit kumplikado ang sitwasyon, at meron pang iba

ang mga tunay na kahulugan ng pag-ibig, panalangin ko'y maging atin
nagsusumamo ako, nawa'y iyong naririnig
pagmamahalan ito at hindi naman digmaan
wala tayong dahilan upang matakot masaktan

ako'y sa iyo, wala ng makaaagaw pa
lumuluha man ngayon, may wakas rin ang pagdurusa
ano man ang mangyari ipagtatanggol kita
sasapit rin ang araw, malaya na kitang makakapiling sinta

at manghaharana ang kwerdas ng langit
sa'ting pagmamahalan, sila'y magbubunyi
sabi nga ni florante, lahat ay hahamakin
iyon ay gagawin hanggang makamtan ang tamis.

Friday, March 6, 2009

sagada lunch

Gutom sa’yo
Sayo’y naaakit
‘Di inaasahang ganito
Mararanasang pananabik

Makahingal man ang daan
Ito’y tatahakin
Maamoy ka lamang
Dumampi sa’kin sandali

Ang unang sulyap
Maalala ko’y nag-aalangan pang tumikim
Pagkadaplis mo sa aking dila ko’y, “Ito ba ay langit?”.

Ako’y patawarin niyo, Bantay, Batik
Mga mahal mo sa buhay, ‘di na muling maririnig
Pagkat sa aking tiyan
Sila ay nahihimbing.

Sunday, February 15, 2009

Aa

tila si florante
lahat ay hahamakin
ngunit sa ating pananaghoy
ito nga ba'y pag-ibig?

ating kapalaran
di alam kung iginuhit
o sadyang napaglaruan lamang
nang mga nasa langit.

o kapangahasan, ikaw ba'y naniningil?
ba't naman ganito ang mga pangyayari
kami'y abang bihag lang nang pagmamahal
kailanagan ba gantimpalaan ng pighati?

Monday, November 3, 2008

adik

Kasama nang isang malaking buntong hininga
Ay talilikuran kita;
Oo nga't mga gabi nati'y naging masaya
Dulot naman nito'y nagbabadyang sakuna.

Kasama nang isang malaking buntong hininga
Ay tatahimik muna ako;
Ayaw nang gulo, iwas sa atraso
Itutuwid ko ang buhay ko.

Kasama nang isang malaking buntong hininga
Ay isang mas malaking ngiti;
Masakit man ang lahat nang ngayon
Tatawanan rin ito bandang huli.

Saturday, August 23, 2008

..and no, this is not sentence construction 101

Trike. I was on a trike. I was on a green trike. I was on a green trike and the streets were flooded. Even the water was green. Eew. I was on a green trike and the streets were flooded with green water. Eew. Eew. Eew.

Eew.

Landline. I called. I called you. When I was on the green trike I called you. When I was on the green trike treading the green water I called you using our landline. When I was on the green trike treading on the green water I called you using our landline and we talked. Talk. We talked. We talked when I called you. We talked when I called you using our landline. And you should be happy. Happy. You should be happy. You should be happy cause we talked. You should be happy cause we talked after I called you. You should be happy cause we talked after I called you using our landline when I was on the green trike treading on the green water.

But no.

Left. You left me. You left me while we were talking. You left me while we were talking after I called you. You left me when we were talking after I called you using our landline. But before that I got off the trike that’s green that treaded on the green water. Then you left me. That was after I got off the green trike from where we talked after I called you using our landline. Anger. I felt anger. I felt anger when you left me. I was angry after you left me. I was angry after you left me when we were talking. I was angry cause you left me when we were talking after I called you. I was using our landline then.

Explain. You explained. You were explaining. You were explaining why you left me after I called you. You were explaining why you left me while we were talking after I called you and after I got off the green trike that treaded the green water. Call wait stuff. “And besides, I came back. Am here now.”, your ingenious additional reply. That’s not the issue. And wait, do I even believe you? You were explaining why you left me while we were talking after I called you using our landline and after I got off the green trike that treaded the green water when someone knocked on and opened the door then the lights and said,

Almusal na. Bangon na diyan.”