Wednesday, February 1, 2012

Because today is a palindrome

At ang puso ay muling nabigo
Tinalikuran ng pag-asa
Kinalimutan ng ligaya.

Ang pusong pinagkaitan ng ngiti,
Na sabik sa saliw ng tugtuging matamis

Ang pusong umaasa
Na patuloy kinukutya,
Ang puso na patuloy na nagluluksa

Ay ang syang puso na pinuno ng pait;

Dahil ang pusong nagmahal, ay ang pusong nasawi.

No comments:

Post a Comment