Sunday, December 31, 2006

laiya



Akala mo ba'y madali na lisanin ka?
Akala mo ba'y iniwanan kita nang ganun ganun na lang?
Nang basta basta na lamang?

Grabe naman.

Sana man lamang ay sumagi nang kahit isang segundo sa isip mo na nahirapan ako.

Na nahihirapan pa rin ako.

Ang huling lingon na iyon..
Akala mo ba'y kinalimutan na kita?
Na madaling kalimutan ka?
Na madali ang lahat nang ito?
Ako'y patuloy na binibigahin mo.

Patuloy akong hinahabol nang ala-ala mo.
Patuloy kang tumatakbo sa isipan ko.
Sa panaginip ko,
Maging sa realidad ko.
Ni hindi ko na nga yata alam kung sa realidad nga ba tayo nagkita.

Ngunit..

Oo.

Tama.

Iyon nga pala ang tatlong araw ng realidad na pinakatatangi ko.
Pa’no ko nga ba makalilimutan?

Siguro nga.

Ang lahat kasi ay mistulang pangarap na nagkatotoo nang tatlong araw.
At kalian pa kaya na ika’y muling makakasama?
Sobrang nagsusumamo ako na makapiling kang muli.
Na ika’y makaulayaw.
Sa ilalim ni Luna..
Maging sa ilalim ng tirik na araw.
Sa mga oras na ito ay iyon lang ang batid ko.
Iyon lamang ang tanging hangarin ko.
Lunod pa rin ako sa'yo, Batangas..
Lunod pa rin ako sa'yo.