Sunday, May 13, 2007

ode to the ro

Pilit tinatakpan
Pumanaw na hagikgik
‘Di sadiyang naitapon
Balot ng belong itim

Tulirong mga mata
Ipinako sa tabi
Sa lilang yelo
Pilit hinahanapan ng init

Ulirat na walang maliw na tumatakbo
Yakap sa balabal na hindi alam kung kailan huhubarin
(Gusto nga bang hubarin, bangkay na payaso?)
Lumilipad sa kahapon
At sa mga maaring sana naging

Umaasang magising sa isang katotohanan
Na kaya mo nang yakapin.

No comments:

Post a Comment