Patay kung patay.
Yan ung pinag-tatawanan namin kagabi sa cab. Ako, si Kate, at si manong Dennis - ung driver. Sakit sa tiyan. Pa'no, mula Greenbelt hanggang Tejeron eh wala kaming ginawa kundi pasakitin ang aming mga panga.
Pinag-uusapan kasi namin ng best friend ko ung ply wood na bumagsak sa may taas ng Cibo. Akala kasi namin, may bomba nanaman. Sabay usisa ni manong driver, "Talaga, andun kayo nung pinasabog Glorietta?"
"Ai hindi manong," sagot namin, "kanina kasi habang kumakain kami, may bumagsak na ply wood; kala namin katapusan na namin."
Hahaha.
"Buti hindi kayo natakot mag-shopping diyan?", follow up ni manong Dennis.
"Naku manong, kung lagi kang takot, walang mangyayari sa'yo. Pag oras mo na, oras mo na. Patay kung patay."
At dun na nag-simula ang bonding namin.
Ano nga ba ginagawa namin dun nung mga panahon na binomba pala ang Batasan? Naghahanap kasi kami ng make-up ni Kate. As in hinagilap namin ang buong G1 para hanapin ung "perfect" sa mukha niya. Ang kulit kasi ang hinahanap namin, ung "natural look". Kung ganun na nga rin lang, ba't kailangan pa ng make-up? Naalala ko ung lip gloss sa Mac. Perfect shade, sabi ko sa kaniya. Classy, desente tignan [mahirap kasi siya hanapan ng lipstick, nagmumukha siyang pokpok sa konting kulay]. Ayaw niya, kasi daw baka mapansin ung lips niya. "Eh sa maganda,eh. Kung ayaw mo mapansin, eh di wag ka na mag-lagay."
Babae nga naman.
May isa pa akong kwento. Bago pumunta sa Greenbelt, galing ako ng pamantasang mahal. Nag-enroll at dapat papasok. Sakto nga naman na first day supposedly ng lab at walang nahiram na gamit sa SRR [Science Research Room] namin na puro newly acquired things. May nalalaman pa silang mga gas chromtagography apparatus eh slides at microscope lang hinihiram namin, wala silang mabigay.
Anyway, hindi nga pala un ung kwento ko tungkol sa school.
Eh di un nga, papasok [act of entering] ako. Mga 26 steps away eh inabangan ko na kung haharangin ba ako nila manong guard dahil dyed ng burgundy ang buhok ko at hindi ako naka-uniform o..
"Good afternoon ma'm."
Panalo. Walang mintis, pag 'di ako naka-uniform, yan ang bati ng mga guard sa'kin.
"Good afternoon rin" din naman ako, may kasama pang tango. Sabay pag-lampas sa kanila, tawa ako. At take note, pinagbuksan pa ako ng pinto sa cashier's office. Nice. Nice. Pati mga ibang empleyado, binabati ako. Woohoo. Ano ba itsura ko: doktor, prof o matrona?
Ang hindi nila alam eh isa akong studyante na nagm-master ng subject. Take two, in short. Hindi ba nila ma-gets na hindi lang mag-kasya sa'kin ung mga lumang uniform ko?
Ang kulit nga naman ng tao. Mapang-husga. Speaking of which, naalala ko tuloy ung chocolate crinkles sa may mini-grocery sa baba ng condo ng isa naming best friend ni Kate. One Sunday kasi, after mag-simba eh dumaan kami dun para bumili ng picha. Alam mo na mga matatakaw, naghahanap ng iba pang bibilihin. Eh di un nga, chocolate crinkles. P28. At para sa P28.00 eh ang dami niyang laman. "Hindi masarap", sabay tawa kasi sabay pa namin un sinabi ni Moncia. Pag-dating namin sa bahay eh ung crinkles na un din ang sumalubong sa'min. Bumili pala ung bunsong kapatid niya. Sabi ko nga matatakaw kami, so syempre, hindi rin naming natiis na hindi tikman. Sabay tawa ulit.
Ung crinkles na un, lagi mo nang makikita sa kanila. Malamang naa-out of stock pa un sa mini-grocery kabibili nitong magkakapatid na 'to.
Sabi nga, looks can be deceiving. Nagkalat na unyango, in short. Quoting from manong, kala niya mga desente na nasakay niya, un pala, mga taga-loob rin.
Aniane.
P62.50 lang ung patak ng metro, 100 tuloy ung binigay namin sa kaniya.
No comments:
Post a Comment