Miss na kita.
"Asa'n ka?"
'Yan lagi una mong tanong na medyo nakasanayan ko na, kaya minsan pag tumatawag ka, pagka-pindot ng "receive" button, automatic ko nang sasabihin ung kinaroroonan ko.
Ako naman magtatanong sa'yo niyan.
Asa'n ka na?
Naalala ko nanaman ung mga araw na kada ring ng cellphone ko eh panigurado ako eh ikaw un. Naalala ko nanaman ung mga gabing walang tulugan at walang babaan ng telepono. Naalala ko ung mga gabi na nakabalot pa ko ng kumot na tumatayo sa labas ng bahay dahil walang signal sa loob. Nagagalit ka pa 'pag naririnig mo na umuulan. "Asan ka? Huwag ka mag-sinungaleng. Pumasok ka nga sa loob. Ai ang kulet. Magagalit ako. Isa.." Naalala ko ung mga pag-tawag ko sa'yo 'pag worship na sa service kasi 'di ka naka-attend. Naalala ko ung mga sagutan natin sa blog. Naalala ko lahat ng iyak na ginawa ko kasi hindi kita mahanap, ni hindi makausap. Naalala ko ung mga lingon ko kakahanap sa'yo. Naalala ko ung bigla ka na lang napdaan sa harap ko, papunta ka ng LRT 2, Legarda station ts ako nasa sasakyan, papunta ng concert na tribute sa APO Hiking Society. Hindi ako naka-imik nun. Gusto kong bumaba at habulin ka para yakapin ka pero wala akong nagawa.Nanatili akong yelo sa kinauupuan ko. Naalala ko ung hating-gabi na kumain tayo sa McDo kasama si Daisy , galing tayo sa meeting ng Team Creative. Hindi rin tayo naka-imik nung tinanong niya tayo kung ano tayo o kung may "past" tayo. Siya lang naman ung isa sa mga tao na pinahahalagahan ko ng sobra. Sobra sobra. Yun lang naman ung gusto ko isigaw no'n. Naalala ko ung mga paglakad sa araneta at ung pag-try natin manood ng UAAP last year. Naalala ko ung Fire Floss at ung guava juice. Naalala ko ung pag-sakay natin sa "roller coaster" sa Fiesta Carnival. Naalala ko ung pag-sama ko kay mommy mo sa ospital para bantayan si daddy mo. Naalala ko ung pag-bantay ko sa'yo sa ospital. October 13, 2006 un. Friday. Sobrang lakas ng ulan ts ang sama ng pakiramdam mo. Ang arte mo nga nun, eh. Susunduin kita dapat sa bahay pero ayaw mo. Tawag ako ulit matapos ang isang oras, sabi mo, "Ba't andiyan ka pa? Kala ko susunduin mo ko?" Haay. Hanggang ngayon, ganiyan ka pa rin ka-arte.
At hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Titgilan ko na ba ang pagtanong kung nasa'n ka? At titigilan ko na rin ba ang pag-intay ng tanong mo na 'yan?
No comments:
Post a Comment