Ang kulit kanina. Ang galing galing ko talaga kahit kailan. I have this friend who's working in Canada, and I take every chance that I get to email her. Ang kulit lang kanina, was supposed to tell her na, "Ang sarap siguro umuwi ngayon at yakapin ang unan. Haay." Ranting from some kid na gusto nang matulog. Tantrums galore. Ang kulit lang na muntik ko na iyon masabi sa isang tao na halos isang dekada nang nagtatrabaho sa abroad.
Sakto, panahon pa nang Pasko. Mga emsoyon nang tao, sumasabay sa pag-nipis ng hangin.Ang sakit siguro nung mga salitang un para sa kaniya. Frustrating, ika nga. Dahil kung nagkataon man na gaya niya ako na toyooin, kahit anong tantrums eh hindi siya makauuwi ka'gad dito sa Pinas.
Kung ako nga na unan lang ang mayakap, masaya na, pa'no pa kaya ung sabik sa yakap ng mga anak? Siguro kung pwedeng ipagpalit sa plane ticket ang kasabikan niyang makauwi dito at maka-sama ung pamilya niya, naka-ilang round trip na siya.
Sabi ko nga magpa-pasko na.
No comments:
Post a Comment