Two years ago, Analyical Chemistry class, Sir Cuarto. Dalwang taon na pero hanggang ngayon tinatawanan pa rin namin yan. Namin – tatlong first year med students, isang marketing assistant, at ako, isa pa ring delingkwente. Kami-kami rin ung magkakatabi no'n.
May nalaglag na ube?
Joke time talaga un. Pa’no, sa gitna ng pagco-compute sa kung ano-anong kemikales eh tama daw kumain ng polboron; nakarating pa yang mga polboron na iyan mula sa’min sa first row hanggang sa last row. Sakto pag-subo ko eh tinawag ako para mag-recite. Timing nga naman. Aack. Sinubukan ko mag-explain gamit ang sign language. Iyan ang nakuhang mensahe ng prof ko: May nalaglag na ube? \
Alangan naming hindi matawa ang buong klase, di ba?
Kagabi, nag-dinner kami ng college friends ko. Gano’n pala talaga pag medyo tapos ka na sa studyante phase. Walang ibang gusto kunid ang pag-kwentuhan ang nakaraan na para bang ang tanda tanda niyo na. Hanggang ngayon eh hindi ma-maliw ang hagikgik pag nak-kwento yan. Walong buwan nang nakararaan o higit pa nung huli kong narining yan. Pa’no, after ng graduation, pahirapan na magka-kitaan. Kaniya-kaniya, in short.
Marami-rami ring naipon na katatawanan no’n. Andiyan ung bigla na lang aapoy ung chemistry lab. Andiyan ung bigla na lang mangangamoy Lucky Me pancit canton ung lab. Pati ung mga endemic na diarrhea pag malapit na ang submission ng mga lab manual, at ung mga biglang nagiging “shy type” pag recitation – ung tipong pag tinanong ka ng prof, “Why is homeostasis irrelevant to the topic of DNA chromatography as a basis for genealogy?” eh ang masasabi mo na lang eh, “Yes ma’m”.
Ang sarap balikan ng mga araw nang pag-tambay sa shed, ang pag-kain at pagkain sa cafeteria, sa walang sawang pag-plano sa pagb-boycott sa prof na hindi matuloy-tuloy, tsaka na rin sa mga gabing walang tulugan para sa short exam o long quiz; sa mga one-night thesis, ang box office na pila pag enrollment at mas box office na pila sa mga photocopy-han pag malapit na ang exam[na walang sawang tinatawag na seroks]; ang pagpa-pasa-pasa ng lab gown pag inspection, ang pagd-disect ng palaka, pusa, daga, manok at kung ano-ano pang supposedly eh gumagalaw na bagay ng walang gloves, ang pag-gawa ng Harada-Mori culture at parasitology slides ng walang mask; mag overnight review kuno na nauuwi sa panonood ng mga pelikula na may singkit.
Ang sarap balikan ng college life. De-allowance. Hatid-sundo. Walang ibang iniintindi kundi ang pag-pasa sa mga exam. Masarap, pero ok na ung isang beses lang. Hahaha. Sabi ko nga, kung ikaw ung studyante na tulog o nagla-lakwatsa sa gabi bago mag exam eh parang between life and death na ang situasyon.
Pa’no minsan eh kahit ilang gabi kang hindi matulog eh 18/70 pa rin ang grado mo sa exam. Bagsak ka na nga, andiyan pa ung mga eye bags mo na ‘di na lumiit-liit. Andiyan rin ung thesis mo na hindi mo na alam kung saang library ka pa kukuha ng reference materials eh pag-balik sa’yo eh may malaking “REVISE” na nakasulat. At ang Krebs cycle na hanggang ngayon eh hindi mo ma-figure out. Hindi rin maubos-ubos ung mga prof mo na parang pinanganak para pahirapan ka. Naku naman talaga.
Pero ngayon, madalas, pag di ko na laam kung saan ko kukunin ung pang-bayad sa meralco, pang-bayad sa nawasa, at pang bayad ng apartment eh gusto ko na lang maging ung studyante na un na pinagpapawisan ng malamig sa gitna ng exam.