Sunday, September 6, 2009

Jun Utleg at the Conspiracy Bar and Cafe, Visayas Ave QC

Conspiracy Bar and Cafe Visayas Ave, QC - Friends from Baguio and Manila were serenaded by no less than Jun Utleg last September 4, 2009. Manong Jun, as he is fondly called in Baguio, his hometown, is known for the heartwarming and chart topping song "Igorota". His album, named after the said single, also includes "Ang Bata", and "Meme Na", to name a few. Jun Utleg was a member of Binhi before he became a solo artist.

Here are some photos before the gig.

jun utleg, paula de los reyes, baguio, conspiracy qc, putopau, Jun Utleg at the Conspiracy Bar and Cafe

I'm like a fans lol

jun utleg, baguio, conspiracy qc, putopau, paula de los reyes, Jun Utleg at the Conspiracy Bar and Cafe

Jun Utleg at the Conspiracy Bar and Cafe Visayas Ave, QC
(we just had to take this shot)

jun utleg, paula de los reyes, baguio, conspiracy qc, putopau

Jun Utleg in that Cinemalaya Cinco shirt that I gave.

jun utleg, paula de los reyes, baguio, conspiracy qc, putopau

Jun Utleg changing the strings before the gig

Wednesday, July 22, 2009

the things you'd realize after cinemalaya cinco

i know, i know. the festival is not yet over.

1. ayaw mong mabuang. talagang ayaw. lalo 'pag conscious ka na baliw ka. effort, man. efffffort.

2. pwedeng i-justify na hindi ka baliw. disturbed ka lang, kamo.

3. ang anthurium ay phallic symbol.

4. importante ang musical score. as in. make or break.

5. 'pag tumalon ka mula sa isang mataas na mataas na lugar dahil ayaw mong marinig ang mga boses sa ulo mo / bumubulong sa'yo, sila lang ang masasaktan / mamamatay. ikaw? ha. hindi ka yata weak.

6. hindi ka weak.

7. kapag nababaliw ka na talaga at itinanggi mo, dalawa lang un:
a. delusional ka
b. denial phase na ito

8. pwede kang magkaro'n ng fans DAHIL (oo, DAHIL at hindi KAHIT) pangit ka.

9. walang dating ang salitang "loser" kumpara sa tagalog counterpart (supposedly) nito na "wala ka pala eh!".

10. rockstar na rockstar ang dating mo kapag bingi ang fan mo.

11. ang piano ay parang ipis. kahit ilang bomba ang sumabog at kahit ilang kamikaze ang dumaan, nananatili itong buhay at buo. yes, buhay ang piano. buhay siya. at nasa tono, take note.

12. ang pagiging diplomatic at pagiging balimbing ay, well, magkaiba.

13. kailangan convincing ang intonation mo kapag sinabi mong, "ay-hab-a-brayt-aidiea!"

14. kailangan naka-pila ka na sa ticketing booth AT LEAST two hours before the show. dahil pag malapit ba ang turn mo para makabili ng ticket eh biglang magc-crash ang pc at kailangan mo tumakbo papunta sa kabilang ticket booth na nasa kabilang palapag. syempre hindi ka lang mag-isa tatakbo. maka-stampede ba. na parang si ping medina ang pinipilahan.

15. malaki ang tulong ng student id. lalo pag pinagkakakitaan mo si kimpot rockstar. (apir sam) (katrine buti may student id ka) 50 pesos per show.

16. malaking tulong rin ang hand dryer 'pag galing ka sa dream theater. pwede pala itong thawing device (see. innovation.)

17. kahit hindi makatarungan ang kalahating styrofoam cup na kape na 60 pesos ay mapabibili ka. take note ulit: equal ang sweetener.

18. pare-pareho nga kayo ng takbo ng utak ng mga kaibigan mo mula sa nakaraan (think grade school and high school). parang biglang may mini reunion sa ccp. na hindi planado. ang kulit rin kasi sa credits mo na nakikita ung iba. wow. parang binaliktad na schadenfreude.

19. cheesy pero totoo. ang sarap ng may mga kaibigan. lalo pag kasama mo sila.

Wednesday, July 8, 2009

quarter life crisis - it's not a curse, it's an offer!

lagi kong sinasabi na hindi naman kailangan ng ibang tao para maging masaya ang isang tao. pero pwede pala na ang kawalan ng isang tao ang maging dahilan para agawin ang kasiyahan sa'yo.

wala pa namang anim na buwan para sabihin na depressed ako. pakiramdam ko suicidal ako pero hindi pa naman siguro. kaya mas nakukumbinsi ako na ganun na nga, kasi dine-deny ko. (ayaw ko sanang sabihin un pero para makumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako suicidal, ilalagay ko. para poser ang dating ko) sabi ng kaibigan ko, wag daw ako makinig sa depressing music. ung mga kanta na nagpapasaya sakin dati, ayun, pinaiiyak ako ngayon kasi naaalala ko ung masasayang oras. negated ang plano. sabi niya rin, kumain daw ako ng maraming tsokolate habang hinihimay kung bakit ko gusto mag-suicide. ang sakit na ng ipin ko pero wala pa rin yatang serotonin ang katawan ko. ayaw ko pating maging mataba sa huling oras ng buhay ko. pwede ba. sabi niya rin, pag narealize ko na ang lahat ng dahilan (na alam ko naman, in the first place), i-contradict ko daw. ginawa ko naman. pero mas napaniwala ko ung sarili ko na hindi ako masaya. ai ewan.

alam ko mahal magpatingin sa psychiatrist. ipamamana ko na lang ung pera ko que sa makinig sa mga may catatonia.

Part 2

masarap mag-mahal. hindi masarap masaktan. mahirap malungkot. mahirap maka-miss ng tao. mahirap umiyak sa bus station habang inihahatid.mas mahirap umiyak habang nagbibilang ng mga huling oras na magkasama kayo. mahirap din mag-abang sa susunod na oras na magkakasama kayo na hindi mo naman talaga alam kung kailan. mahirap pag hindi mo alam kung mahal ka pa rin niya. o nagbabalak na siyang ipagpalit ka.

hindi naman ako teenager para magkaganito. ano ba yan.

Monday, June 29, 2009

tada

o tadhana ako'y wag paglaruan
sa iyong mga kuko'y wala akong kalaban laban
kaiisip mapapraning, wala namang magagawa
kapag ikaw ay nakipagkasundo na kay bathala.
mga pagkakataon sa aki'y wag naman ipagkait
lubosin ang unos, ang pait ay masapit
hayaan mong akitin naman ako ng liwanag
biyayaan ng saya, wakasan ang siglo ng sakuna.

Friday, April 3, 2009

blata blata

Ako ay isang ipis

Naghahanap ng pulot gata

Tinatawag niyo itong basura

Sa aking tiyan ito’y langit na.

Ngunit..

Ako’y kinamumuhian

Tanong ko lamang ay bakit

Kinatatakutan, pinandidirian

Meron ba akong nagawa na para sa iyo’y mali?

Sabi mo, inaatake ko kayo

Ngunit ikaw itong may dalang armas

Naglalakad lang naman ako, naghahanap ng ginto

Ikaw kaya itong habulin ko ng tsinelas?

Gusto ko lang ng tahimik na buhay

Kumain ng mga bagay na hindi mabuti sa’yo

Iyon lang naman ang silbi ko sa buhay

Mamasamain mo pa ba ito?

Kung ang naiwang pagkain sa’yong lapag

Ay aking ginawang hapunan

Huwag magalit, ako’y patawarin

Ito pala’y di katanggap-tanggap, ‘di ko naman alam.

O kaya sa umaga’y natagpuan

Sa mga platong kagabi’y ginamit

Bago uinit ang ulo’y iyo munang isipin

Bakit nga ba hindi nailigpit?

Akala ko kasi’y naniimbita ka

Dahil hindi mo nilinis ang iyong paligid

Kaya gano’n na lang ang gulat ko

Ng narinig ko ang pang-ispray, tsiik tsiik tsiik.

Ayaw ko naman talaga maging pagala-gala

Nagtatago rin sa publiko

Ngunit kung ikaw naman ay makalat

Masisisi mo ba ako?

At kapag ako ay nawala

Tsaka lang malalaman mo

Na dadami ang organismong

Maghahasik ng methane sa mundo.

At ako’y iyong maaalala

Kapag iyon na nga ang nangyari

Dahil mas makasasama iyon sa iyong kalusugan

Que sa ‘pag may lumilipad na kagaya kong pangit.

Sunday, March 22, 2009

pag-uwi

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Para lang sabay tayong kumain ng lugaw
Pan de sal
Barbecue, mango juice, maanghang na noodles, at kape.

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Isang trike, konting takbo, isang jeep, ilang minuto
Para lang ikaw ay malambing
Kita'y makasama, saglit na sandali.

Tatlong ticket sa bus at anim, pitong oras
Isang yakap
Isang gabi
Isang ngiti kahit luha ay nangingilid.

Isang ticket sa bus wala pang bente kuwatro oras makalipas

Saturday, March 7, 2009

ang masarap kainin ngayon ay

bukas.

sumpang ika'y manatiling aking iniibig, paninindigan

hanggang sa gatilyo ng langit ay kusang pumitik

* * *

pagsasamang ito'y mistulang punyal sa dibdib
sa hanay ng langit, tila 'di naakit
ating ipagpatuloy, maraming masisidhi
kung wakasan nama'y, lubos ang pighati

ano ba'ng gagawin, di ko na rin alam
upang maging matiwasay ating samahan
kung sa'ting dalawa lang ay wala namang problema
ngunit kumplikado ang sitwasyon, at meron pang iba

ang mga tunay na kahulugan ng pag-ibig, panalangin ko'y maging atin
nagsusumamo ako, nawa'y iyong naririnig
pagmamahalan ito at hindi naman digmaan
wala tayong dahilan upang matakot masaktan

ako'y sa iyo, wala ng makaaagaw pa
lumuluha man ngayon, may wakas rin ang pagdurusa
ano man ang mangyari ipagtatanggol kita
sasapit rin ang araw, malaya na kitang makakapiling sinta

at manghaharana ang kwerdas ng langit
sa'ting pagmamahalan, sila'y magbubunyi
sabi nga ni florante, lahat ay hahamakin
iyon ay gagawin hanggang makamtan ang tamis.

Friday, March 6, 2009

sagada lunch

Gutom sa’yo
Sayo’y naaakit
‘Di inaasahang ganito
Mararanasang pananabik

Makahingal man ang daan
Ito’y tatahakin
Maamoy ka lamang
Dumampi sa’kin sandali

Ang unang sulyap
Maalala ko’y nag-aalangan pang tumikim
Pagkadaplis mo sa aking dila ko’y, “Ito ba ay langit?”.

Ako’y patawarin niyo, Bantay, Batik
Mga mahal mo sa buhay, ‘di na muling maririnig
Pagkat sa aking tiyan
Sila ay nahihimbing.

Sunday, February 15, 2009

Aa

tila si florante
lahat ay hahamakin
ngunit sa ating pananaghoy
ito nga ba'y pag-ibig?

ating kapalaran
di alam kung iginuhit
o sadyang napaglaruan lamang
nang mga nasa langit.

o kapangahasan, ikaw ba'y naniningil?
ba't naman ganito ang mga pangyayari
kami'y abang bihag lang nang pagmamahal
kailanagan ba gantimpalaan ng pighati?