Ako ay isang ipis
Naghahanap ng pulot gata
Tinatawag niyo itong basura
Sa aking tiyan ito’y langit na.
Ngunit..
Ako’y kinamumuhian
Tanong ko lamang ay bakit
Kinatatakutan, pinandidirian
Meron ba akong nagawa na para sa iyo’y
Sabi mo, inaatake ko kayo
Ngunit ikaw itong may dalang armas
Naglalakad lang naman ako, naghahanap ng ginto
Ikaw kaya itong habulin ko ng tsinelas?
Gusto ko lang ng tahimik na buhay
Kumain ng mga bagay na hindi mabuti sa’yo
Iyon lang naman ang silbi ko sa buhay
Mamasamain mo pa ba ito?
Kung ang naiwang pagkain sa’yong lapag
Ay aking ginawang hapunan
Huwag magalit, ako’y patawarin
Ito pala’y di katanggap-tanggap, ‘di ko naman alam.
O kaya sa umaga’y natagpuan
Sa mga platong kagabi’y ginamit
Bago uinit ang ulo’y iyo munang isipin
Bakit nga ba hindi nailigpit?
Akala ko kasi’y naniimbita ka
Dahil hindi mo nilinis ang iyong paligid
Kaya gano’n na lang ang gulat ko
Ng narinig ko ang pang-ispray, tsiik tsiik tsiik.
Ayaw ko naman talaga maging pagala-gala
Nagtatago rin sa publiko
Ngunit kung ikaw naman ay makalat
Masisisi mo ba ako?
At kapag ako ay nawala
Tsaka lang malalaman mo
Na dadami ang organismong
Maghahasik ng methane sa mundo.
At ako’y iyong maaalala
Kapag iyon na nga ang nangyari
Dahil mas makasasama iyon sa iyong kalusugan
Que sa ‘pag may lumilipad na kagaya kong pangit.